(Note: This is a translated version of There’s No Harm in Pausing)
Hindi Masama ang Sandaling Paghinto
Hinihingal, pagod na katawan at mga paa, hinahabol na mga targets, nagmamadali para sa mga deadlines – Ikaw ba ay nakaranas ng mga ito o isa ba sa mga ito ang nararamdaman mo ngayon? Ikaw ba ay handa na para sa isang tahimik na hiyaw, nagnanais na sabihin ang mga salitang, “Kailangan ko ng pahinga!”. Tunay nga na sa panahong ito, hindi na maitatanggi ang katotohanang tayo ay nabubuhay sa isang mundo ng “mabilisan at puno ng pagmamadali”. Habang ito ay karaniwang tinatanggap sa isang trabaho, negosyo at iba pang bahagi ng ating buhay, ito ay lubos na hindi katanggap-tanggap sa tuwing ang oras natin para sa Diyos ay laging nasa isang “mabilisan at pagpamamadali” na paraan.
Sa ating mga abalang iskedyul, minsan ay hindi natin napapamahalaan ng maayos ang pagkakaroon ng kalidad na oras, na nararapat nating ilaan para sa Diyos.
Tayo ay nakakalimot na okey lang ang pansamantalang tumigil – para ‘’mag-slow down’’ ng ilang sandali at magnilay(meditate) sa kung ano ang sinasabi ng Diyos sa atin sa bawat sandali at bawat araw.
Kadalasan, tayo ay nagtatanong kung bakit ang mga bagay ay hindi nangyayari ayon sa paraang ipinagdarasal natin, or sa paraang gusto nating mangyari. Hindi natin napagtanto o naiisip na tayo ang hindi nakinig sa gabay ng Diyos. Sa oras na tinanggap natin ang tawag ng Diyos, nararapat lamang na pakinggan nating mabuti at intindihin ang kanyang mga salita. Narito ang apat na simpleng mga paraan upang makapagsimula:
Pansamantalang huminto. Maglaan ng oras para sa Kanyang salita. Sa halip na aksayahin ang natitirang oras pagkatapos ng iyong trabaho sa mga bagay2x na hindi nakakatulong sa iyong pag-unlad, buksan mo ang iyong Biblia. Unahin ang iyong mga iskedyul sa pagbabasa ng Biblia. Magbulay sa Kanyang salita (Joshua 1:8). Iyong matutuklasan na ang tamang paraan ng pagsunod sa Diyos ay nangangailangan ng tamang pag-intindi sa Kanyang salita at ng tamang pagtupad sa mga ito.
Pansamantalang huminto. Pagningasin ang iyong gana sa pagdarasal o panalangin. Magtakda ng oras kung saan hindi ka maaaring istorbohin sa iyong pakikipag-usap sa Diyos. Kung makakatulong ang pagpatay ng iyong mobile phone, laptop o iba pang mga kagamitang pangteknolohiya, gawin mo ito upang ikaw ay manatiling nakatutok sa Kanya. Laging tandaan na ang Diyos ay hindi katulad ng iyong mga kliyente, at wala kang kailangang ipagmalaki na proposal o anumang tagumpay. Siya ay ang iyong Hari ngunit nais Niyang maging totoo ka sa iyong sarili, na may buong kababaang-loob ang paglapit mo sa Kanya at pakikipag-usap sa Kanya (Filipos 4:6).
Pansamantalang huminto. Humanap ng tahimik na mga sandali para makapag-isip-isip. Hindi ibig sabihin na kailangan mong magbakasyon o pumunta sa isang isla upang mahanap ang aliw at katahimikan. Kahit nasa iyong sariling silid, bago ka bumangon o magpahinga, pwede mong gamitin ang mga konting sangdaling ito (kahit sa iyong lunch break). Linawin mo ang iyong utak sa pag-iisip ng ibang mga bagay at isaisip ang Diyos. Isipin mo kung ano ang mga bagay na gusto Niyang ipagawa sa iyo. Gawin mong layunin ang marinig ang Kanyang boses (1 Mga Hari 19:11-12). Sumalamin sa mga ito at sa bawat sandali na ikaw ay mayroong sasabihin o isang bagay na gagawin, itanong mo ito sa iyong sarili, “Paano ko maaaring mapasaya ang Diyos sa araw na ito? (Jeremias 9:23-24).
Pansamantalang huminto. Maging aktibo sa Kanyang mga gawain. Isipin mo na ikaw ay isang parte ng Kanyang katawan (Efeso 4:16). Kapag ikaw, bilang isang parte ay hindi gumagana, ang buong katawan (simbahan) ay nagdurusa. Huwag mong ibalewala ang anumang gawain sa simbahan dahil ito ay mas mahalaga pa kaysa mga posisyon na meron tayo dito sa lupa. Ikaw man ay isang tagabantay ng pintuan, o taga-bigay ng mga gospel tracts o drayber ng simbahan, ikatuwa mo ito! Maging masaya sa iyong mga gawain. Paghandaan mo ang iyong mga responsibilidad at pagsipagan ang paggawa sa mga ito. Kung ikaw ay hindi pa aktibo, gawin ang hakbang sa pag-alok ng iyong sariling oras sa iyong lokal na simbahan. Kung kaya mong maglaan ng lima hanggang anim na araw sa pagtatrabaho, bakit hindi mo ibigay ang isang natitirang araw sa buong lingo para sa Diyos? Dahil sa huli, kung wala ang Diyos, wala tayong magagawa.
Nakikita ko na ikaw ay pansamantalang tumigil o huminto habang binabasa ito at ako ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos. Ako’y may maalab na panalangin – kahit nakatira tayo sa isang mundong mabilis na umiikot, maari tayong huminto, tumigil pansamantala, at lumapit sa Diyos. Lagi Siyang naghihintay sa atin.
You are viewing the translated version in Filipino(Tagalog) language. To read the post in English, you may click here. To see the rest of the posts translated into Tagalog, stay tuned in our Tagalog Blogs category for more updates.










Totoo toh!!! May magandang naidudulot ang paghihinto…
Jobrobinson says: (Comment Translated)
This is true!!! There’s a good benefit or advantage in pausing…
—————————————————–
Christian Blessings Reply:
Hi Job! Salamat sa pagbisita… Marami pang tagalog blogs coming soon, sana balik ka for more
God bless! – Joyce, for Tagalog blogs
(Translated)
Hi Job! Thanks for visiting… There are more tagalog blogs coming soon, hope you come back for more
God bless! – Joyce, for Tagalog blogs