Tagalog Blogs: No Retreat, Just Surrender (nasa Tagalog na!)

No Retreat, Just Surrender: Tagalog Version


Walang Atrasan, Sumuko Lamang

Natitiyak ko na pamilyar kayo sa military term na ito. Kaya, sa palagay ko’y alam ninyo kung ano ang hindi tama sa pamagat na yan. Subalit, sinadya ko talaga ‘to.

Bilang mga anak ng Diyos, tayo’y nasa katotohan ng isang labanan. Ngayong nasa atin na ang lahat na kailangan natin (ang salita ng Diyos, kaligtasan, bagong buhay at isip, banal na pag-uugali, at iba pa…) ay hindi nangangahulugang malapit na tayong manalo sa labanan (bagama’t  ito ay nararapat na simula). Kadalasan, tayo ay umuurong at humahakbang palayo sa mga hamon ng buhay dahil sa mga kabiguan.

Tayo ay gumagawa ng mga sarili nating solusyon sa halip na manalig sa Diyos.  Tayo ay napapagod na sumubok  at sa wakas  ay napagtanto natin na talagang hindi gagana ang mga sarili nating solusyon hangga’t hindi natin isusuko sa Panginoon ang lahat.

Anuman ang dinaranas mo ngayon, alam ng Diyos ang iyong sitwasyon. Sa Kawikaan 15:3, sinasabi nito, ”Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa’t dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti.” Nais ng Diyos na manalig tayo sa Kanya at hindi sa ating mga sariling paraan, mga saloobin at kakayahan. Tandaan natin sa ating mga puso na alam at ramdam ng Diyos ang ating mga pangangailangan. Kung ikaw ay kasalukuyang nagdarasal para sa isang bagay at ang sagot ng Diyos ay katahimikan, maaaring ikaw ay humihiling ng isang maling bagay o di kaya’y nais lang Niyang maghintay ka pa ng konting panahon. Isuko mo ang mga ito sa Kanya. Ang Kanyang mga tugon ay palaging para sa ating kabutihan (Jeremias 29:11) at kahit na sa mga panahong hindi natin naiintindihan kung bakit dumarating sa atin ang mga hindi inaasahang pangyayari, Siya ay kasalakuyang nagtatrabaho o nagpoproseso sa ating mga buhay (Roma 8:28).

Kapag natutunan nating isuko sa Kanya ang lahat, ang kapangyarihan ng Diyos ay lumiliwanag nang walang limitasyon at nang walang sira o hadlang galing sa ating mga sariling mapagpilit na kagustuhan. Ang Diyos ay hindi humihiling na tayo ay umatras, sa halip ay hinihikayat Niya tayong lumaban ng isang mabuting pakikibaka ng pananampalataya (1 Timoteo 6:12) ngunit hindi Niya sinabi na kailangan nating mag-isa, dahil nandiyan Siya. Siya ay lalaban para sa atin(Exodo 14:14). Huwag mag-atubiling isuko sa Panginoon ang iyong mga alalahanin, mga pasanin, mga pangarap, at ang mga layunin mo sa buhay. Tayo ay nasa Kanyang mga kamay, at panatag tayo na wala ng iba pang lugar kung saan maaari tayong manatiling lubos na ligtas (Deuteronomy 31:6).

Isang huling paalala, hindi Niya kailangan ang ating bahagyang mga pagsuko. Siya ay naghihintay para sa ating BUONG pagsuko. Tulad ng mga salita sa isang awitin na “Trust His Heart” (Magtiwala sa Kanyang Puso),

God is too wise to be mistaken

God is too good to be unkind

So when you don’t understand

When you don’t see His plan

When you can’t trace His hand

Trust His heart”

(Ang Diyos ay masyadong matalino para magkamali
Ang Diyos ay masyadong mabuti para maging masama
Sa tuwing hindi mo naiintindihan
Sa tuwing ang mga plano Niya’y hindi mo nakikita
Sa tuwing hindi mo nasusunod ang bakas ng Kanyang mga kamay
Magtiwala ka sa Kanyang puso)

Huwag kang mag-alinlangan. Ialay mo ang lahat sa Kanyang kagustuhan at makikita mo ang mga pinakamagandang bagay na gagawin ng Diyos.

P.S. Ikaw ay nagbabasa sa aking unang paskil dito sa Christian Blessings. Utang ko ang lahat sa Diyos habang Siya ay patuloy na sumasangkap sa akin ng biyaya at lakas upang  makapagbahagi dito. Maaari mong makita ang update dito.


Upang makita ang Ingles na bersyon, e-click ito. Marami pang susunod na Tagalog Posts kaya manatiling nakatutok dito sa Christian Blessings

(To see the English version, click here. More Tagalog Posts are coming so stay tuned here in Christian Blessings.)

Enhanced by Zemanta

About Tagalog Blogs

Tagalog Blogs at Christian Blessing (ptl2010.com). I'm the same blogger at http://joycedevivre.wordpress.com/
This entry was posted in A CLICK A BLESSING TODAY, TAGALOG BLOGS and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s