Tagalog Blogs: Radiate The Good Vibes (nasa Tagalog na!)

Radiate The Good Vibes: Tagalog Version


Pakislapin Ang Good Vibes

” Ang masayang puso ay mabuting kagamutan…’’ – Kawikaan 17:22

Sa mga nakaraang taon, nabasa ko ang isang libro ni John Maxwell na pinamagatang, ”Make Today Count”. Ako ay mapalad na mabasa ang tungkol sa mga tips kung paano natin pwedeng i-maximize ang ating araw. Ang pahina ng konklusyon ay nagsasaad ng mga salitang ito: ‘’you really can make today great. The key is to make the most important decisions of your life and then to manage those decisions. Anyone who does that consistently can make today a masterpiece.’’ Sa ating wika, ibig sabihin ay: ”Maaari mong gawing napakaganda o napakahusay ang araw na ito. Ang susi ay ang paggawa ng mga pinaka-mahalagang desisyon sa iyong buhay at pagkatapos ay pamahalaan ang mga desisyong ‘yon. Sinuman ang patuloy na gumagawa nito ay kayang gawin ang araw na ’to na isang obra maestra.”

Habang totoo na ang masinsinang paggawa ay nagdudulot ng tamang paglago natin sa Diyos, kailangan rin nating palawakin ang sinag ng liwanag na meron tayo ngayon sa ibang tao. Ako’y palaging naniniwala na hindi nakakahawa ang lahat ng mga sakit ngunit lahat ng damdamin o emosyon ay nakakahawa.

Tuwing umaga, sa pagbukas ng ating mga mata, ano ang inihahayag ng ating mga mukha? Nakikita ba sa mga mukha natin ang isang ngiti na nagpapasalamat at mapayapa para sa isa na namang araw na bigay ng Diyos? o ang nakikita ba ay ang ating mga noo, na kumulubot na sa pag-aalala para sa mga problema ng kahapon at ngayon? Anuman ang mga ito, kapag tayo ay nagsimula ng gumalaw pagkatapos gumising, ang ating mga damdamin o emosyon ay nagba-vibrate at kumikislap, naapektohan nito ang natitirang bahagi ng ating araw at ang mga tao sa ating paligid. Isipin mong ikaw ay nakaupo kasama ang isang negatibong tao sa halos buong maghapon at ikaw ay nagiging negatibo rin buong araw. O baliktarin natin, makipag-usap ka sa isang positibong tao kahit sa loob lang ng ilang oras at gagaan ang iyong pakiramdam habang nagtatrabaho. Simulan mo ang araw ng pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin; ito ay isang mahusay na paraan sa pag-imbita ng mga good vibes bago tumungo sa iyong mga gawain.

Mahalaga na pakislapin/palawakin o ipasa natin ang mga good vibes sa ating pang-araw-araw na paglalakad kasama ang Diyos. Sa parehong paraan, mahalaga rin na piliin natin kung ano ang ipapasa nating mga emosyon o damdamin sa ibang tao. Hindi natin kailanman malalaman kung sino ang mga taong ating pwedeng makasalamuha sa buong araw at maaring ang iba sa kanila ay nasa kawalan ng pag-asa. Hindi natin kailanman malalaman na  ang isang simpleng ngiti natin para sa mga kapwa natin kasamahan (sa simbahan o trabaho) ay maaaring mag-impluwensya sa kanilang pananaw na  maging positibo sa buhay. Hindi natin maaaring bigyan ng limitasyon ang epekto ng ilang mga salitang nagbibigay ng lakas-loob sa isang tao; upang mahaplos ang mga pusong nag-iisa pabalik sa Diyos. Hindi man natin maaaring malaman ang mga epekto nito, ngunit alam ng Diyos. Kapag tayo ay handa na maging daan ng Kanyang mga biyaya (maging ito ay sa isang simple o malaking paraan), ginagamit Niya ang ating mga kumikislap na ilaw upang ang iba ay magkaroon ng ningning at matanggap din ang Kanyang mga biyaya.

Sa pagtuklas ng mga posibilidad kung paano tayo maging isang biyaya sa ibang tao, ang pagpasa ng kaligayahang ating natagpuan kay Kristo ay palaging isang magandang simula. Si Jesus ay nagpagaling ng mga tao na may sakit noon, at nang ang mga taong ito’y nagsimulang sumunod sa Kanya, lagi Niyang sinasabi: ”Umuwi ka sa iyong bahay sa iyong mga kaibigan, at sabihin mo sa kanila kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa sa iyo ng Panginoon… – Marcos 5:19″. Tayo ay tulad sa kanila noon, na pinagaling ng Panginoon; at parehong utos ng pagbabahagi ng Kanyang kapangyarihan sa iba ang humuhugong ngayon para sa atin.

Ikaw ba ay masaya? May kapayapaan ka ba? May mga salita ka bang nagbibigay ng lakas-loob at pag-asa? Ipasa, pakislapin at palawakin pa ang mga ito sa iyong pamilya, mga kaibigan, o kahit sa mga kasamahan na katabi mo ngayon. Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ikaw ay maging isang biyaya sa iba ngayong araw na ito.

And I know there is a reason why God has blessed us all so much. There’s something He’s expecting from everyone of us.

We’ve been blessed to be a blessing. We’ve been loved to give His love.

- from the classic piece, ”Blessed To Be A Blessing”

Sa ating sariling wika, ang mga salitang ito ay:

(At alam kong may dahilan kung bakit ang Diyos ay biniyayaan tayo ng lubos. May isang bagay na inaasahan Niya sa bawat isa sa atin.

Tayo ay binibigyang biyaya upang maging isang biyaya. Tayo ay minamahal upang ibahagi ang Kanyang pagmamahal.

- Mula sa klasikong piraso, “Mapalad Maging Isang Biyaya”)


Upang makita ang Ingles na bersyon, e-click ito. Marami pang susunod na Tagalog Posts kaya manatiling nakatutok dito sa Christian Blessings

(To see the English version, click here. More Tagalog Posts are coming so stay tuned here in Christian Blessings.)

About Tagalog Blogs

Tagalog Blogs at Christian Blessing (ptl2010.com). I'm the same blogger at http://joycedevivre.wordpress.com/
This entry was posted in A CLICK A BLESSING TODAY, TAGALOG BLOGS and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s