Bakit kailangan mong umalis?

Note: English version coming up! :)

Marami sa mga kababayan natin, ayon sa recent survey, mataas na porsyento ng mga professionals ay mas pipiliin ang magtrabaho abroad. Ikaw ba ay isa sa kanila? Ikaw ba ay isa sa mga taong umaasa na umasenso sa buhay balang araw? Kung isa sa mga tanong na ito ay naglalarawan sayo, marahil ang mga dahilan  mo’y nasa mga choices na ito:

  1. Kailangan kog maghanda para sa kinabukasan ng aking pamilya.
  2. Gusto kong pagbutihin pa ang aking karera o propesyon.
  3. Nais kong makigpasapalaran at alamin kung mas mabuti bang manatili na lang sa ibang bansa
  4. Naniniwala akong mas uunlad ang aking pamumuhay kung magtatrabaho ako sa abroad.
  5. Gusto kong mapatunayan sa aking sarili at sa mga taong naniniwala sa akin, na kaya kong mamuhay nang hindi umaasa sa iba sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.

Ano man ang iyong dahilan sa pag-alis, nag-iiba ang lahat ng ito pagdating mo sa iyong destinayon. Ilang  oras bago ka umalis, ikaw ay punong-puno ng pag-asa. Ilang oras rin pagkatapos mong dumating sa abroad, ikaw ay nawawalan na ng pag-asa. Nami-miss mo ang iyong pamilya, ang mga kaibigan, ang pagmamahal na nakapaligid sa’yo. O di kaya’y dahil sa excitement, nag-eenjoy ka ng ilang araw ngunit pagdating ng “off” mo, nararamdaman mo na ang pangungulila. Naiisip mo, kumusta na kaya sila? Ano kaya ginagawa nila ngayon? Nag-aaral kaya ng mabuti ang mga bata? Okey kaya ang Nanay at Tatay?– kung isa sa mga ito ay iyong nararamdaman, well, hindi ka nag-iisa.

Naranasan ko ring mawalay sa pamilya ng matagal na panahon dahil tulad mo, hinangad ko ang asenso at kaunlaran sa buhay. Hindi madali ang iwanan ang iyong pamilya ngunit sa isip ko, wala ng iba pang paraan. Habang ako ay malayo, na-realize ko na ang hirap hirap mag-isa – ang magtrabaho sa mga taong hindi naman nakakaintindi sayo, ang makipaghalubilo sa mga taong hindi mo alam kung pwede mong pagkatiwalaan o hindi at ang makitira sa mga taong hindi mo naman kakilala. Ngunit isang bagay ang nagbigay sa akin ng walang hanggang pag-asa – na mahal ako ng Diyos at hindi Niya ako pababayaan. Alam kong mahirap ang magtiwala ngunit kung susubukan mo lamang magtiwala sa Diyos, hindi ka Niya bibiguin kailanman. Ang kanyang mga pangako ay may katuparan. Kasama mo Sya sa bawat pag-iisa at kalungkutan. Huwag mong kalimutan na Sya ang nagbibigay sa’yo ng lakas upang magawa mo ang iyong mga responsibilidad sa buhay. Ang lahat ay may hangganan – ngunit ang Kanyang pagmamahal sa’yo ay walang katapusan. Hindi ko ito sinasabi sa’yo  to comfort you, sinasabi ko ‘to sa’yo dahil ito ang katotohanang hindi natin napaglaanan ng pansin. At ito lamang ang tanging katotohanang tutulong sa atin para mabuhay ng may pag-asa at kasiyahan sa ating mga puso.

About these ads

About Tagalog Blogs

Tagalog Blogs at Christian Blessing (ptl2010.com). I'm the same blogger at http://joycedevivre.wordpress.com/
This entry was posted in A CLICK A BLESSING TODAY, CHRISTIAN TAGALOG BLOGS and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to Bakit kailangan mong umalis?

  1. Pingback: Why Do You Need To Go? | ChristianBlessings

  2. Joyce de vivre says:

    Hello browahidpk, thanks for going through this though it’s not yet in English. The English translation is coming hopefully today or tomorrow :) Stay tuned to Christian Blessings! God bless :)

  3. browahidpk says:

    Waiting for english and urdu version. Blessings to all who post the wonderful messages. Amen!

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s