CHRISTIAN TAGALOG BLOGS – Balisa

 

(upang mabasa ang paskil na ito sa wikang Ingles, mag-click dito: Christian Tagalog Blogs – Restless)

Kung titingnan mo ang mga headlines ng balita sa panahon ngayon, ikaw ay madidismaya lamang lalo’t mababasa mo ang tungkol sa mga: baha, lindol, alert sa tsunami, kaguluhan sa pulitika, mga nasirang pananim dahil sa malakas na pag-ulan, mga taong nawalan ng trabaho, kompanyang nalulugi na at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa mga nakalipas na buwan, kami ay nababalot ng mga matinding kalamidad dito sa aking bansa (Pilipinas) at ito’y nagdulot ng malubhang paghihirap at pag-aalala. Tayo ay hindi na bago sa ganitong pakiramdam. Ang pag-aalala ay tila nagiging isang default na setting para sa ating lahat – lalo na sa mga kababayan natin na nagtatrabaho sa labas ng bansa at malayo sa kanilang mga pamilya. Hanggang sa oras na ito, ang matinding pag-ulan at mga bagyo ay patuloy na bumibisita sa atin. At tayo ay lalong nag-aalala. Ang ating mga puso ay naguguluhan. Ang ating pananampalataya ay sinusubok at ang ating konsentrasyon ay nasa mga kasalukuyang pangyayaring ito: kawalan ng mga trabaho, krisis sa pera at hindi permanenteng pagkakakitaan.

Tayong mga naiwan dito sa ating bansa ay madalas na nag-aalala para sa ating mga mahal sa buhay na nasa abroad. Gayun din sa mga kababayan nating nasa abroad, sila ay nag-aalala rin para sa atin. Ngunit tayo ay walang magawa. Ang mga posibilidad ay hindi ganoon ka-simpleng gawin – tulad na lamang ng agarang pag-uwi galing sa ibang bansa o ang pagpunta doon, ang matagalang pag-uusap sa telepono sa pamamagitan ng long distance calls, ang pag-apply para sa petisyon ng ating mga kamag-anak, pagkuha ng visa o kahit ang paglipat sa isang ligtas na lugar malayo sa mga bagyo at ang pagpapadala ng mga bagay2x – lahat ng mga ito’y nangangailangan ng pera upang maisagawa, at apektado dito ang mga dahilan kung bakit tayo ay nakikipagsapalaran na magtrabaho malayo sa ating mga pamilya. Sa katunayan, tayo ay balisa sa mga panahong ito.

Ang mga pagsubok na ito ay lalong nagpapalala sa nararamdaman ng bawat isa na pananabik upang makauwi at makapiling ang mga mahal sa buhay. Ngunit dapat nating tandaan na ang mga pag-aalalang bumabalot sa ating puso ay hindi lingid sa kaalaman ng ating Dios. Ang pag-alala ay maaring maging unang reaksyon natin ngunit sana hindi ito ang natatanging reaksyon na meron tayo. Sa panahong halos handa na tayong makalimot sa Dios, dapat tayong tumigil pansamantala at tumingin sa isang maliwanag na panig– na tayo ay buhay pa. Tayo ay nasa mabuting kalusugan pa rin. Tayo ay nakakapagsimba pa rin, nakakapagdasal at nakakapagbasa sa ating mga Bibliya na merong kalayaan. Oo, lahat tayo ay hindi mayaman sa pera ngunit tayo ay kumakain pa rin ng tatlong beses sa isang araw (at nakakapagmeryenda pa nga kung tutuusin), nakakabili pa rin ng mga damit na maisusuot at nakakapagbayad ng mga renta o mga gastusin. Kaya pa nga nating makapagbakasyon sa isang isla or probinsya upang mag-relax.  Hindi ba natin pasasalamatan ang ating Dios sa mga bagay na ito? Nararapat lamang na tayo ay magpasalamat.

Kung titingnan mo, kahit gaano pa kasama at kahit gaano pa kahirap gumawa ng isang prediksyon sa mga pwedeng mangyari sa panahong ito, ang ating mga pag-alala ay nawawala kapag tayo ay natutong magpasalamat at magtiwala kay Kristo. Ang mga kayamanan natin ay maaring limitado lamang – hindi man natin malaman kung kumusta na ang mga mahal natin sa buhay, hindi man tayo pwedeng makipag-usap ng 24 hours sa kanila at hindi man natin nakikita ang kanilang mga mukha araw-araw, dapat nating ilagay sa ating puso na sila ay magiging okey, dahil meron tayong Dios.  Ang Kanyang lakas ay hindi limitado. Ang Kanyang grasya ay walang katumbas. Ang Kanyang katapatan ay bago sa bawat umagang dumarating at ang Kayang mga layunin ay para sa ating ikabubuti.

Ang mga bagay na ‘yan ay tama lamang na makampante ang ating mga balisang isipan at magkaroon ng kapayapaan ang ating mga puso. Kapag patuloy natin itong ginagawa, ang kasiyahang bigay ng Dios ay hindi kailanman mawawala sa atin. At sa susunod na mga pagsubok pang darating, ang pagdarasal ay s’yang maging una nating reaksyon kaysa mag-alala kaagad. Ngunit sa totoo lang, hindi natin ‘to kayang gawin sa isang magdamag. Ang lahat ng ito’y dapat nating isuko sa Dios, kasama ang isang puso na handang sumunod sa Kanyang kagustuhan. Kaya, bakit hindi tayo magsimula ngayon? :)

Hayaan natin ang Dios na ipaalala sa atin ang Kanyang mga tunay na pangako sa Salmo 46:

Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan. Kaya’t hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago, at bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon…

Ang Dios ay nasa gitna niya; siya’y hindi makikilos: tutulungan siya ng Dios na maaga. Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)

Kayo’y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon…

Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios…

 

About these ads

About Joyce de vivre

I am a hotelier by profession. When not at work, I delight in pursuing my love for art through paintings, designs and drawings. Inspired by living for the infinite God, I look forward to imparting my true joy in life's absurdities. A believer and follower of Christ, I aim to gain not just readers, but fellow friends who are in the same journey of living for God. Click me and join my little world.
This entry was posted in A CLICK A BLESSING TODAY, CHRISTIAN LIFE AND THE WORD, CHRISTIAN TAGALOG BLOGS and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s