Isang binata ang lumapit sa isang doktor upang alamin ang kanyang pangkalusugang kalagayan. Nang tanungin ng doktor kung anong kanyang ikinababagabag, ganito ang kanyang sinabi, “Ako’y may amang taksil at lolo na taksil. Pinalaki ako ng mga taksil sa kanilang mga asawa at natatakot akong magaya sa kanila. Saan ko na kaya gugugulin ang aking walang-hanggang buhay? May pag-asa pa kaya ako?”
Malungkot na inamin ng doktror na siya man ay naging infidel rin dati subalit binago siya ng Panginoon. Kinuha niya ang kanyang Biblia at binuksan ito sa Isaiah 53 at binasa ang talatang ito sa binata.
“But He was pierced for our rebellion, crushed for our sins. He was beaten so we could be whole. He was whipped so we could be healed.” – Isaiah 53:7
Matapos ito, itinuro din ng doktor sa binata ang tungkol kay Kristo at sinamahan siyang malangin para sa kanyang kaligtasan.
Taong 1867, natanggap ni Dr. Whinston ng London ang sulat mula sa binata na nagsasaad na mula sa araw na tinanggap niya si Kristo ay hindi na siya muli pang binagabag ng kanyang konsensya.
Infidelity and adultery is common to those marriages with one partner working abroad. Hindi na iilan lamang sa atin ang nakakaalam na mayroon tayong kaibigan, kakilala, o kapitbahay na pumapasok sa ganitong klase ng kasalanan.
Malinaw na ipinapakita sa istoryang ating nabasa kung gaano kahirap sa isang anak ang dalhin sa kanyang konsensya ang mga pagtataksil sa kanyang pamilya. Tunay na sumisira ito sa kanyang pagkatao, tumatakot sa kanya na parang multo at hinding-hindi na niya maaalis sa kanyang isipan. Sa kalaunan, naiisip rin niyang maaaring tamang gumawa na lang din ng ganoong klaseng kataksilan.
Ang bawat pagtataksil na ginagawa ng ilan ay lumalatay hindi lamang sa mga anak o sa bawat miyembro ng pamilya, ito’y lumalatay rin sa simbahan, sa mga kamag-anakan, sa mga kaibigan, at generasyong darating pa na may kinalaman sa kanila.
Mahalagang maging maingat tayo sa paggawa ng mga ganitong kalikuan. Sinasabi sa 1 Corinthians 6:13 ang ganito:
“The body is not meant for sexual immorality, but for the Lord, and the Lord for the body.”
Ganoon din sa Ephesians 5:3-4
“But among you there must not be even a hint of sexual immorality or any kind of impurity …”
Kung isasaisip natin ang mga bagay na ito, kung magiging maingat tayo sa kilos, pananamit at pananalita, at kung lagi nating uunahin ang Diyos sa ating buhay, walang tawag ng laman ang magkakaroon ng kapangyarihang tayo ay pagharian.
Pingback: My Article Read (7-30-2015) | My Daily Musing