TT3: Wherever You are…  that’s the Exact Place God Wants you to be

quote

Isang lalaki ang inilagay sa isang monasteryo at binigyan ng pagkakataong magsalita ng dalawang kataga lamang sa loob ng limang taon. Matapos ang unang limang taon, siya’y ipinatawag upang sabihin ang kanyang dalawang kataga. Ang sinabi niya ay ganito, “Pagkain, ansama!”

Pagkatapos ng ikalawang limang taon, muli siyang ipinatawag upang sabihin ang kanyang dalawang kataga. Sa pagkakataong ito, sinabi naman niya: “Higaan, antigas!”

After fifteen years ito ang huli niyang nasabi, “ Suko na’ko!” Sinabi sa kanya ng Obispo, “Hindi na ako nasorpresa, simula pa lamang na pumasok ka dito’y puro ka na reklamo.”

Kagaya ka ba ng taong ito? Nagrereklamo ka rin ba sa kinalalagyan mo ngayon o sa lugar na tinitirhan mo? Iniisip mo ba na siguro mas magandang nasa ibang bansa ka na lang kaysa naninirahan ka sa isang Third World Country. O kaya ay sana makalipat ka na ng trabaho sa ibang lugar or sa ibang kumpaya na may mas convenient na environment.

Kung ikaw ang taong ito, maaaring may ibig iparating sa iyo ang talatang ito:

“He determined the times set for them and the exact places where they should live. God did this so that men would seek him and perhaps reach out for him and find him though he is not far from each one of us.” Acts 17:26-27.

Ang lugar na kinalalagyan mo ngayon. Ang bansa kung saan ka naroroon. Ang maliit at masikip na tahanang tinitirhan mo. Ang matigas na kamang hinihigaan mo. Ang Barangay na kinaaaniban mo pati na ang mga kapitbahay na mayroon ka… lahat iyan ay itinalaga ng Diyos para sa iyo.

Hindi tayo dapat mag-reklamo sa halip ay lalo pa tayong dumulog sa Kanya at hanapin Siya sa ating mga sariling lugar. Ito naman kasi ang dahilan ng lahat ng ito… itinalaga Niya talagang mangyari ito para lalo tayong mapalapit sa Kanya.

Kaya nga kaibigan, saan man tayo naroroon, gaano man kahirap, ka-homesick, nakakabagot, nakakainis, nakakapagod, mansion man o squatter’s area, alalahanin natin ang dahilan Niya kung kaya tayo naririto.

Hanapin mo Siya… ngayon na.

“Accepting the reality of our broken, flawed lives is the beginning of spirituality not because the spiritual life will remove our flaws but because we let go of seeking perfection and, instead, seek God, the one who is present in the tangledness of our lives.” – Michael Yaconelli

About Jennifer

I am Jennifer, a Christian from the Philippines, a mother of two young boys, a wife, a lover of Jesus, a blogger, a writer, a self-made artist, a journaler, a coffee & doodles lover, and sometimes a poet by heart. Hey there, friend! I'm so thrilled you stopped by! I love working to be a purposeful stay-at-home mom and I wish to help others do the same. Welcome here!
This entry was posted in A CLICK A BLESSING TODAY, CHRISTIAN TAGALOG BLOGS, CHRISTIAN TEENS BLOGS, SHARING STRUGGLES , Shaping Spiritual Solutions! and tagged , . Bookmark the permalink.

2 Responses to TT3: Wherever You are…  that’s the Exact Place God Wants you to be

  1. Pingback: My Article Read (8-7-2015) | My Daily Musing

  2. ptl2010 says:

    Praise God He is with us wherever He sends us. We can praise Him wherever we are.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.