TT6: “You Will, When you Believe in Jesus”

Bible Verse

Ang mga scientist na taga Scotland ay sumubok na suhulan ang isang bata ng napakalaking halaga para lamang bumaba ito sa tuktok ng isang bangin habang nakatali ang kanyang katawan. Gusto ng batang magkaroon ng malaking halaga para sa kanyang pamilya dahil laki siya sa hirap. Subalit kapag tinitingnan niya ang nakapangingilabot na lalim ng bangin, at ang halos hindi na makitang ibaba nito, isa lang ang namumutawi sa kanyang mga labi, “Ayaw ko po, hindi ko po kaya.”

Kaya naman labis-labis siyang hinimok ng mga scientist, pinangakuan ng kung anu-ano para lamang pumayag.

“Sege po,” ang sagot niya pagkatapos na matamang pinag-isipan ang lahat, “Sa isang kundisyon…”

“Ano iyon iho?” Ang tanong ng nakatatandang scientist.

“Gusto ko po na si Tatay ang maghawak ng dulo ng tali.”

Ganoon katindi ang tiwala niya sa kanyang ama at dahil sa paniniwala at pagtitiwalang ito’y pinayagan niyang ang kanyang ama lamang ang magtali ng lubid sa kanyang katawan at mismong magbaba sa kanya sa bangin.

May ganito ka rin bang pananampalataya sa iyong ama sa langit?

Kaya mo rin bang ibigay ang buong buhay mo kung utusan ka Niyang gawin ang isang bagay na halos lagpas na sa iyong kakayanan, at halos maaari nang kumitil ng iyong buhay?

Aaminin ko hindi ko ito kaya, maliban na lamang sigurong matagpuan ko ang sarili kong nasa gitna na ng mga ganoon katinding pagsubok, at wala na akong ibang pagpipilian pa kung hindi ang manampalataya na lamang.

Nangyayari ito, kagaya noong biglang namatay ang aking bayaw sa isang heart attack. Kagaya noong namatay ang aking pinakamamahal na lolo. Kagaya noong maghiwalay ang aking mga magulang. Kagaya noong maharap ako sa panganib ng panganganak. Kagaya noong maaksidente ako… Naroon na… tapos bigla na lamang lumalabas ang aking pananampalatayang bunga ng matagal na panahong paglakad kong kasama ng Panginoon. Hindi na pala ako kayang igupo ng mga ganitong pagsubok ng basta-basta.

Pero kung papipiliin siguro ako kung susugod ba ako sa mga ganoong pagsubok sa buhay, siguro mas pipiliin kong maging kagaya ni Moses…

“Eh, kasi Panginoon hindi ko kaya. Eh kasi Panginoon, ang hirap-hirap naman ng pinagagawa mo. Eh kasi Panginoon, bulol ako…Eh kasi…”

Hindi lang naman siguro ako ang ganito hindi ba? Mabuti na lang dahil ang Diyos din ang kumikilos para sa atin sa mga bagay na hindi na natin kaya.

“There hath no temptation taken you but such as is common to man: but God is faithful, who will not suffer you to be tempted above that ye are able; but will with the temptation also make a way to escape, that ye may be able to bear it.” – 1 Cor. 10:13

Kaya naman kung pakikiusapan ka kung tatalon ka sa banging malalim, gayahin mo ang batang nabanggit sa ating kwento sa ngayon, sumagot ka ng, “Opo, tatalon po ako, basta ang aking Ama sa langit ang magtatali ng lubid sa katawan ko at maghahawak sa dulo nito.”

*Kapatid, kung naibigan mo ang debosyon sa araw na ito, inaanyayahan kitang samahan ako dito sa ChristianBlessings tuwing Huwebes. At kung nais mo naman akong makilala pa ng lubusan, maaari mo akong bisitahin sa aking blog at makiisa sa reflection ko tungkol sa Salita ng Diyos.

Maraming salamat muli.

About Jennifer

I am Jennifer, a Christian from the Philippines, a mother of two young boys, a wife, a lover of Jesus, a blogger, a writer, a self-made artist, a journaler, a coffee & doodles lover, and sometimes a poet by heart. Hey there, friend! I'm so thrilled you stopped by! I love working to be a purposeful stay-at-home mom and I wish to help others do the same. Welcome here!
This entry was posted in A CLICK A BLESSING TODAY, CHRISTIAN TAGALOG BLOGS, SHARING STRUGGLES , Shaping Spiritual Solutions! and tagged , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to TT6: “You Will, When you Believe in Jesus”

  1. Pingback: My Article Read (8-27-2015) | My Daily Musing

  2. ptl2010 says:

    A Sunday School song I learnt long ago and which remains true today

    It is glory just to walk with Him
    It is glory just to walk with Him
    He will guide my steps aright
    Through the vale and o’er the heights
    It is glory just to walk with Him.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.