TT8: Don’t be Afraid, What Man can Do to You?

MOM AND CHILD4

Isang babae ang payapang nagda-drive ng kanyang sasakyan nang mapansin niyang kanina pa siya sinusundan ng isang truck. Naisip niyang mukhang napakalapit na sa kanya ng truck kaya binilisan niya ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan.

Ang nakakapagtaka’y lalo naman siyang sinundan ng truck kung kaya nagmamadali siyang nagtungo sa isang gasoline station at lumundag sa kanyang sasakyan habang nagsisisigaw ng “Saklolo!”

Hindi naman ito pinansin ng Truck Driver, tumalon siya mula sa kanyang truck matapos itong maitabi upang buksan ang likuran ng sasakyan ng babae. At tama ang kanyang hinala…

May tao nga sa loob ng compartment ng sasakyan na nagtatago. Kinalaunan, napag-alamang ang lalaking iyon ay isang kilalang Serial Rapist na may binabalak na masama sa babaing sakay ng sasakyan.

Mula sa itaas ng truck ay napuna ng driver ang compartment ng kotse ng babae kaya hinabol niya ang babae. Hindi ito para siya’y takutin kung hindi para siya’y iligtas  sa tiyak na kapahamakan.

Nakakatuwang isiping mula sa itaas ay nakikita ng Diyos ang lahat ng mga bagay pati na iyong magdudulot sa atin ng kapahamakan.

***

Nakaka-alarma para sa ating mga magulang ang napapabalitang pagdukot ng mga kabataan ngayon sa Batangas na isinasakay sa truck.

Maraming mga magulang ang nagpa-panic tungkol dito dahil matay mang itanggi ng ating mga kapulisan (para huwag laman tayong matakot) ay may mga insidente naman talagang nagpapatunay na may mga batang nadudukot.

Hindi natin alam ang motibo. Hindi natin alam kung anong mangyayari. Ang tangi lamang nating alam ay natatakot tayong mapawalay sa atin ang ating mga anak.

At sinong hindi? Bilang mga magulang, pananagutan natin sila. Hinding-hindi natin mapapatawad ang ating mga sarili kung may mangyayaring masama sa kanila… at malamang na hindi tayo nito patutulugin o baka nga ikabaliw pa natin kung mawawala sila.

Makailang ulit na ring ginawa ng panganay kong anak ang hindi umuwi sa tamang oras buhat sa paaralan. Sa tuwing nangyayari ito, para akong hibang na naghahagilap sa buong bayan para lamang hanapin siya, habang hila-hila ko ang aking bunsong anak. Habang hinahanap ko siya sa mga kaibigan niya at maging sa guro niya, patuloy akong nananalangin sa kanyang kaligtasan. Alam kong pinagtatawanan na ako ng mga ibang napagtatanungan ko, pero anong magagawa ko, isa akong ina.

Naiintindihan ko rin namang hindi ko pwedeng ikulong na lamang sa aming bahay ang aking anak lalo pa nga’t malapit na siyang maging opisyal na teenager. Alam kong sa edad na ito, nais na rin niyang i-explore ang kanyang lugar na ginagalawan, ang i-enjoy ang kanyang mga kaibigan, ang unti-unting i-practice ang kanyang kalayaan.

Ang takot ko ay kadalasang pumipigil pa nga sa kanyang paglago bilang normal na indibidwal. Ang katotohanan ay hindi ko naman talaga siya kayang protektahan sa lahat ng panahon at pagkakataon.

Kailangan ko na rin siyang ibalik sa Diyos at pabayaang Siya, na mas makapangyarihan sa akin ang Siyang mag-ingat sa aking mga anak.

Hindi ko gusto ang mabuhay sa takot kaya naman sa isang maliit na notebook ay kinopya ko ang mga bersikulong magpapalakas ng loob ko sa tuwing matatakot ako. Gusto kong ulit-ulitin ito sa aking sarili. Gusto kong punuin nito ang aking puso’t isipan. Narito ang ilan:

For I hold you by your right hand—I, the Lord your God. And I say to you, “Don’t be afraid. I am here to help you.” – Isaiah 41:13

“Fear thou not, for I am with thee: be not dismayed; for I am thy God; I will strengthen thee, yea, I will help thee; yea, I will uphold thee with the right hand of my righteousness.” – Isaiah 41:10

“For God hath not given us the spirit of fear; but of power, and of love, and of a sound mind.” – 2 Timothy 1:7

Hindi ko maikakaila sa iyong talagang umiiyak ako sa takot sa tuwing hindi ko mahagilap ang aking anak. Pero umuuwi rin naman siya at patuloy ko siyang pinaaalalahanan sa tuwing makakalimot siyang narito ako at nag-aalala para sa kaligtasan niya.

Bagaman unti-unti ay ipinauubaya ko na lamang siya sa Diyos na Siyang tunay na may hawak ng kanyang buhay. Kagaya ko’y mahal din siya ng Diyos. Kagaya ko ay iniingatan rin siya ng Diyos. At kailanman ay hindi Niya siya iiwan ‘ni pababayaan man.

Sana’y ganito rin ang iyong maging pananaw mula ngayon.

***

Kung may kaibigan kang isang ina ring kagaya ko na sa tingin mo’y matutulungan ng artikulong ito, sana’y ma-i-share mo naman ito sa kanya. Isang malaking bagay para sa akin ang matulungan mo akong maipalaganap ang Salita ng Diyos sa tulong ng internet.

Muli, inaanyayahan kitang basahin ang aking mga artikulo dito sa ChristianBlessings tuwing Huwebes at sa aking blog kung gusto mo ng English na mga inspiring articles.

Hanggang sa muli at pagpalain ka nawa ng Panginoong Hesus Kristo.

~Jennifer

About Jennifer

I am Jennifer, a Christian from the Philippines, a mother of two young boys, a wife, a lover of Jesus, a blogger, a writer, a self-made artist, a journaler, a coffee & doodles lover, and sometimes a poet by heart. Hey there, friend! I'm so thrilled you stopped by! I love working to be a purposeful stay-at-home mom and I wish to help others do the same. Welcome here!
This entry was posted in CHRISTIAN TAGALOG BLOGS, SHARING STRUGGLES , Shaping Spiritual Solutions! and tagged , , , . Bookmark the permalink.

2 Responses to TT8: Don’t be Afraid, What Man can Do to You?

  1. Pingback: My Article Read (9-10-2015) | My Daily Musing

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.