TT11: 12 na Matalinong Pamamaraan para Maibalik ang Tiwala mo sa Iyong Sarili.

self-esteem

(This is the Tagalog Version of my post, 12 Smart Ways to Regain your Self-Esteem)

Did you know that a low self-esteem would hinder your spiritual growth? Well, then let’s find out in this post.

Dati-rati, kapag may nagsasabi sa akin na, “Maganda ka, Jennifer,” hindi ako naniniwala. Paano ba naman kasi, lumaki ako na punum-puno ng tigyawat sa mukha at saka mas matanda akong tingnan kaysa sa edad ko.

I am very contemplative kasi, I pay much attention on my intellect kaysa sa hitsura ko. For me, simplicity is beauty, kuntento na ako, hindi ko na kailangang mag-dress to kill pa or mag-make-up ng tudo-todo just to get attention. I want others to respect me, hindi dahil sa maganda ako kung hindi dahil sa matalino ako at well… karespe-respeto. Pero alam mo ba, dahil sa deni-dedma ko lang ang tungkol sa appearance ko, katakot-takot tuloy kawalan ng self-confidence ang inabot ko.

Ang totoo…

There were many people na nilalalit ako at madalas na naikukumpara sa super ganda kong mother at super-cute kong sister. Eh, pa’no ba naman they are spending lots and lots of money for outfit, cosmetics, hair-rebond (or hair colors), bags and shoes. Can’t afford naman ako ‘no kasi nga mother na ako and besides kuripot talaga ako, I’d rather buy na lang books kahit gaaano pa kamahal rather than buy myself pampaganda.

Akala ko Ok lang ‘to, at least naman kasi I excelled in academics. Unfortunately, halos lahat ng relationship ko (Yes! Kahit ngayon sa husband ko) nag-suffer because hindi ko matanggap-tanggap deep inside na pwede akong mahalin ng iba kahit pa pangit ako.

Kaya nga ngayon, dahil ang goal ko ay lumago sa ispiritwal kong buhay, siguro naman dapat ko nang harapin ang katotohanang ito at unti-unti na ring magbago.

So, narito ang 12 na mga actionable tips para sa ating lahat to regain our long lost self-esteem:

.01 Accept your strength and weaknesses.

Magaling akong mag-drawing, hindi nga lang ako marunong ng color-combination. Responsible wife naman ako, hindi nga lang ako showy at sweet. Minsan nga nahihirapan pa akong magsabi ng “I love you,” sa totoo lang, parang corny kasi. As I said hindi perfect ang skin ko, madami ngang pimples at pimple marks, pero sexy naman daw ako saka achievers talaga sa school dati. Gusto ko ding magsulat ng nakakatawa paminsan-minsan, kaso nakakaiyak palagi ang naisusulat ko, at mas mukhang natutuwa ang mga readers ko sa mga tulang ginagawa ko.

Anong magagawa ko kung ganito talaga ako?

Well, siguro mas maganda talagang tanggapin ko na lang ang mga kahinaan ko. Baguhin ang mga kaya kong baguhin. Or it’s better siguro na i-improve ko na lang ang mga strong points ko kung talagang wala akong pag-asa sa ibang mga bagay.

.02 Explore your own talents and learn to love and appreciate your uniqueness.

Eh, saan ka ba magaling? Ano ba ang mga bagay na passionate ka at love na love mo talagang gawin? Ikaw lang ang makakagawa niyan, kapatid. Ikaw lang ang makakapag-share ng talent mong ‘yan sa amin. Kaya mas maganda sigurong pagbutihan mo na lang ang mga bagay na iyan at i-appreciate mo naman for yourself.

.03 Be thankful of who you are.

Huwag ka na lang magkunwaring iba.

Noong kinukutya ako kasi nga andami kong pimples at may kabaduyan akong manamit, aaminin ko sa iyo, nag-attempt din kaya akong maging attractive like my mom. Nagpakulay din kaya ako ng buhok, kulay gold pa nga. Nagsuot din kaya ako ng super-daring na mga damit, like mini-skirt, and I applied din bleach all over my body three times a week.

Nag-improved naman ako at feeling great na din ako sa sarili ko. The problem is, hindi ako komportable, madalas kong nababastos ng mga tambay sa kanto.

Noong subukan kong maging kuntento na lang sa kasimplehan ko, that’s the time na napalagay na ang loob ko. Sa paningin naman ni Lord na may gawa sa akin, maganda na ako and I learned to be grateful na lang for that.

“But the Lord said to Samuel, ‘Don’t judge by his appearance or height, for I have rejected him. The Lord doesn’t see things the way you see them. People judge by outward appearance, but the Lord looks at the heart.’” – 1 Samuel 16:7

.04 Associate with people you admire.

Hindi ka lang magmumukhang kagaya nila, matutulungan ka rin nilang maiangat ang pagtingin mo sa sarili mo. Alam mo naman ‘yung feelings ng napupuri at tinatanggap ng taong hinahagaan mo, ‘di ba? Ang saya-saya.

The mere fact na hinahangaan mo sila, that means gusto mo silang gayahin in one way or another. Mayroon silang mga traits na nakaka-inspire sa iyo. So, go on, kung makakabuti ba sa iyo ang impluwensya ng ibang tao, why not?

.05 Set realistic goal and be happy with your achievements.

Ang goal ko is to reach and experience spiritual maturity habang nabubuhay ako sa mundong ito, sa tulong ng Diyos. Gusto ko rin syempreng ma-reach kayo na may ganito ring desire kahit saan pang religious organization kayo nabibilang  (just as long as tinatawag mo ang sarili mong Kristiyano). Gusto kitang makasama sa ministry kong ito.

Ginagawa ko ito kasi kasama ito sa mga personal na utos ng Diyos sa atin.

Gusto ko itong gawin ng bukal sa loob.

At pilit kong inaabot ang pagbabago sa aking sarili ng unti-unti.

Sa iba, malaking endeavor ito, totoo naman! Pero okay lang kasi masaya naman ako, may sense of fulfillment, purpose, and feeling ko ito na ‘yung ku-kumpleto sa pagka-Christian ko. Iyon nga lang panghabambuhay na goal na ito, mahirap pero achievable naman dahil tutulungan ako ni Lord sa quest  na ito.

Now, ikaw naman, anong mga goal mo sa buhay? Hnidi kailangang pang-ispiritwal lang ha, pwede ring pansarili, pampamilya, pang-relasyon o pang-blog like this one. Just make sure na realitstic at achievable, kung hindi man trust the Lord na lang because in Him nothing is impossible, OK?

.06 Encourage yourself by saying, “I can” most often.

I suggest ulit-ulitin mo na lang ang verse na ito sa sarili mo,

“I can do all things through Christ Jesus who strengthens me (Ph. 4:13).”

Kapag inuulit-ulit natin sa sarili natin na kaya natin, nagiging matatag tayo at nagiging matapang to face the challenges which we thought, hindi natin kaya before.

.07 Have satisfaction by serving others.

Sa ngayon, pinagsisilbihan ko ang aking asawa, mga anak, mga kamag-anak, mga kaibigan, at kayo aking mga mambabasa. I can say naman na satisfied na ako sa serbisyong ibinigay ko sa inyo sa ngayon and I can’t see myself doing anything else.

I don’t know kung sinu-sino naman ang pagsisilbihan ko sa mga araw na darating , I just do my best today for those few people whom God had given me. And well, somehow naman  my satisfaction for this service makes me gain more self-confidence and enthusiasm to serve more.

“Work with enthusiasm, as though you were working for the Lord rather than for people.” – Ephesians 6:7

.08 Recount your triumphs over tragedy or failures.

Kapag nahaharap ako sa malalaking pagsubok, binabalikan ko ang mga panahong maghihiwalay na ang mga magulang ko (I hurts!) then, I will whisper to myself na, “Nagtagumpay nga kaming lagpasan ang ganoon kahirap na pagsubok, then, malalagpasan din naming ulit ang pagsubok naming ito ngayon.”

See, akala lang natin ang mga problema ay nandyan lang para pahirapan tayo. Ang hindi natin alam, bawat problemang nalalagpasan natin ay dumadagdag sa lakas ng loob natin para harapin ang ating mga pagsubok sa ngayon.

Remember,

“We are more than conquerors through Him who love us, (Rom. 8:37).

.09 Eliminate negative self-talk.

Hindi madaling alisin ang pagsasalita ng negatibo sa ating sarili. The trick is to talk to yourself as if you’re talking to another human being. Tapos make sure na ‘yung tone ng voice mo is like that of someone who talks to her friend. Understanding ba!

Sometimes din, praying works better. Minsan rin kailangan nating makipag-cooperate sa Diyos in the process of renewing our mind. Battle din kasi ang pagpapatigil sa negative self-talk natin at sometimes, hindi natin ito kaya sa sarili lang nating pamamaraan.

Try mo ring mag-memorize ng mga Bible verses. Kapag kasi saturated na ang isip natin ng Salita ng Diyos, unti-unti nitong napapalitan ang mga negatibong sinasabi natin tungkol sa sarili natin.

.10 Keep on learning.

Mas marami kang kaalaman, mas confident ka, syempre!

Mula noong magkaroon ako ng sarili kong laptop at internet since 2013., ‘di na ako tumigil sa kaka-research, lalo na nang matuto akong mag-blog. Andaming nabuksang pinto sa buhay ko. Natutuhan kong mag-drawing ng maayos-ayos sa MS-paint and in actual, maglagay ng quotation sa image, mag-edit ng picture, mag-hand-lettering ng fake-calligraphy, mag-doodles, gumamit ng Blogger at WordPress… at maraming-marami pang iba. Nakadagdag ang mga ito sa assets ko and I am extremely grateful for this blessings.

.11 Earn your own money.

Alam mo ba ang pinakamahirap for me na isang stay-at-home? It is ‘yung humingi ng sweldo ng asawa. Nakaka-degrade kaya. Na-realized ko ‘to lately.

Akala ko enough na ang salary ni hubby to sustain us every month, but eventually, may isang pangyayaring nagpamulat ng pananaw ko about this thing. Hindi pala ako dapat magtiwala. I must be extra careful in spending money, magtipid pa ng husto, and really find another way to support my family.

I’ll tell you, kailangan mo rin talagang magkaroon ng pagkakakitaan if you’re like me. This will give you peace of mind kahit paano, makakaiwas ka sa pagse-self-pity, and makakapag-bigay ito sa iyo ng sense of fulfillment.

.12  Take care of your appearance.

This is last to my list pero importante din ito dahil walang makakapagpa-angat ng mabilis sa self-esteem mo kung hindi ito.

Dahil dyan…

  • Don’t let go of yourself.
  • Wear presentable and clean clothes.
  • Be mindful of what you are eating.
  • Think of ways on how you can look decent in a cheaper way.
  • Prioritize your health.

Importante ang mga iyan para hindi ka mawalan ng tiwala sa sarili mo.

Kapatid, hindi natin alam kung saan tayo inihahanda ng Dios, pwedeng gusto Niyang tumayo tayo sa harapan ng maraming tao para magsalita tungkol sa Kanya.

Pwede ring gusto Niya lang tayong magpatotoo o kumanta sa harapan ng congregation or mag-lead ng prayer.

Pwede ring gusto Niyang magsimula tayo ng isang ministry o ng isang Blog where we are required na maging open tungkol sa sarili natin.

Whatever?

Ang mahalaga ay may tiwala tayo sa sarili natin kapag dumating na ang mga sandaling ito and I hope makatulong sa atin ang mga tips na nabanggit ko sa blog post na ito.

Let me leave you this verse for this week:

“For the Lord shall be your confidence, and shall keep thy foot from being taken.” – Pro. 3:26

And let me thank you for the likes and for reading my Tagalog post here in ChristianBlessings.

God Bless you all!

Advertisements

About Jennifer

I am Jennifer, a Christian from the Philippines, a mother of two young boys, a wife, a lover of Jesus, a blogger, a writer, a self-made artist, a journaler, a coffee & doodles lover, and sometimes a poet by heart. Hey there, friend! I'm so thrilled you stopped by! I love working to be a purposeful stay-at-home mom and I wish to help others do the same. Welcome here!
This entry was posted in CHRISTIAN TAGALOG BLOGS, SHARING STRUGGLES and tagged , , . Bookmark the permalink.

2 Responses to TT11: 12 na Matalinong Pamamaraan para Maibalik ang Tiwala mo sa Iyong Sarili.

  1. Pingback: My Article Read (10-1-2015) | My Daily Musing

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.