Tt14 – For we are the Aroma of Christ to God

devotional

“But thanks be to God, who in Christ always leads us in triumphant processions, and through us spreads the fragrance of the knowledge of him everywhere. For we are the aroma of Christ to God among those who are being saved and among those who are perishing, to one a fragrance from death to death, to the other a fragrance from life to life, who is sufficient for these things.” 2 Cor. 2:14-16

Sa tuwing sasapit ang Undas, binabagtas namin ng aking pinsang si Josie ang matarik na bundok ng Bagumbayan kung saan naroroon ang namatay kong pinsang si Keps.  Nagtitirik kami doon ng kandila at nag-aalay ng bulaklak sa kanyang puntod. Si Keps? namatay siya sa isang aksidente sa batang gulang, sa mga panahong kami’y magkakalaro pa. Siya ang nagturo sa aking batang isipan at damdamin kung  gaano kasakit ang mawalan ng minamahal. Siya ang nag-open ng reyalidad sa buhay ko ng katotohanan ng buhay at kamatayan.

Pagkatapos niya, ang Lola ko naman sa mother side, sumunod ang aking bayaw na si Kert, at ang huli’y ang Lolo ko. Mga malalapit sa buhay ko, mga taong hinding-hindi ko makakalimutan.

Matapos ang pagpunta sa itaas na sementeryo ay nagtutungo naman kami sa Sta. Rosa, sa Himlayan, kung saan naroroon ang pinakamamahal kong Lolo at ang aking bayaw na si Kert. Kung maputik at matarik ang sementeryo ng Bagumbayan, patag naman at malawak ang Himlayan. Pang-mayaman ika nga pero malayo sa kabayanan.

May malawak itong Bermuda grass, wala kang makikitang pantsong sa gitna pulos mga lapida lamang na tila nakadikit sa lupa. Dito’y nakakapaglaro sina Hans at Hywell sa paligid kasama ng kanilang mga pinsan. Dito na kami inaabot ng gabi, magkakasamang kumakain ng bihon na ginisa sa tokwa at itlog, spaghetti, puto, at buko-salad.

Ang itinirik naming mga kandila’y hinihintay naming matunaw lahat bago kami uuwi. Isa na ring reunion ang araw na ito para sa amin. Nagkaka-kwentuhan, nagkaka-balitaan.

Bagaman, ang pagdiriwang ng Undas ay kadalasang ginagawa lamang ng mga Kristiyanong Katoliko, ito ay hindi ipinagdiriwang ng mga kagaya kong Born Again Christian.

Sa mga panahong ito na ipinagdiriwang namin ang pag-alaala sa aming mga namayapang kamag-anak na kaisa nilang nagdiriwang ng Undas, iyon din ang mga panahong labis kaming nangungulila sa aming kamamatay pa lamang na minamahal. Noong pakiramdam nami’y kailangan pa naming ipakita sa iba na mahal na mahal namin sila kahit pa nga wala na sila.

Pero tama bang alalahanin pa ang mga namatay na kamag-anak? Hindi ba sinasabi sa Bibliya na hayaan na lamang nating ilibing ng mga patay ang kapwa nila mga patay? Ilibing? Ibaon sa limot?

Pero hindi kami mga patay.

Hindi na.

Hindi ba sinasabi ng ilan na kung nagtitiwala ka na kasama na ng mga mahal mo si Kristo ay hindi ka na dapat malungkot pa?

Tama, pero, totoong nalulungkot pa rin kami. Alam naming sa ngayon ay natutulog lamang sila.

At imposible naman yata sa isang taong namatayan ang hindi malungkot man lamang kahit kaunti, hindi ba? Ang totoo nga niyan, kay Keps lang, grabe na ang iyak ko noon, halos magdamag. Naninigas na nga ang mga kamay ko sa tindi ng pagdaramdam ko.

Bakit?

Dahil hindi namin kayang kalimutan ang mga taong minsa’y naging bahagi at naging biyaya din ng Maykapal sa aming buhay. Hindi namin kayang ibaon na lamang sila sa limot kagaya ng pagkakabaon nila sa lupa. Hangga’t buhay ang alaala, mananatili ito sa isip dahil kung hindi, malamang na pati ang mga tao sa Bibliya na namayapa na ay nakalimutan na rin natin kahit gaano pa sila kahalaga.

Sinasabi sa Psalms 116:15 ang ganito,

“Precious in the sight of the Lord is the death of his saint.”

Kung mahalaga sila sa Diyos, hindi ba dapat lang din na maging mahalaga sila sa aming mga nagmamahal sa kanila noon hanggang ngayon?

“For we are the aroma of Christ to God among those who are being saved and among those who are perishing, to one a fragrance from death to death, to the other a fragrance from life to life, who is sufficient for these things.”

isa pa, ang pag-alala sa ating mga namayapang mga minamahal ay maaring hanggang dito na lamang sa lupa. Baka pagdating doon sa langit ay wala na tayong matandaan pa tungkol sa kanila, kagaya ng sinabi ni Job:

“For in death there is no remembrance of thee: in the grave who shall give thee thanks?” (Psa. 6:5).

Kaya naman dapat lang sigurong alalahanin natin sila dito at ipagpasalamat sa Diyos ang mga panahong nakasama natin sila.

Hindi na kailangang makiisa pa sa Undas para gawin ito kung binabagag ka ng iyong konsensya na baka ikaw ay maging katitisuran sa iyong kapwa mananampalataya. Kahit anong araw, pwede mo silang alalahanin, dalawin, tirikan ng kandila at alayan ng mga bulaklak.

Ang mahalaga’y hindi natin sila nakakalimutan.

“Salute every saint in Christ Jesus. The brethren which are with me greet you,” (Php. 4:21)

About Jennifer

I am Jennifer, a Christian from the Philippines, a mother of two young boys, a wife, a lover of Jesus, a blogger, a writer, a self-made artist, a journaler, a coffee & doodles lover, and sometimes a poet by heart. Hey there, friend! I'm so thrilled you stopped by! I love working to be a purposeful stay-at-home mom and I wish to help others do the same. Welcome here!
This entry was posted in CHRISTIAN TAGALOG BLOGS, SHARING STRUGGLES , Shaping Spiritual Solutions! and tagged , , . Bookmark the permalink.

1 Response to Tt14 – For we are the Aroma of Christ to God

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.