Tt15: Encouragement for the Poor

devotional

“What good is it, dear brothers and sisters, if you say you have faith but don’t show it by actions? Can that kind of faith save anyone?” (James 2:14)

Sa labas, mataman kong pinagmasdan ang mga nahuhulog na dahon mula sa puno ng langka. Maka-ilang beses na rin akong nagwalis, naka-isang sako na nga ako ng mga dahon mula pa kahapon, pero wala pa rin itong tigil sa paghulog ng mga tuyong dahon. Maraming nahuhulog kasi nga naman, napakalago ng punong ito.

Siguro kung ganito rin kalago ang pananampalataya ko sa Diyos, ganito rin karaming mabubuting gawa ang maipapamahagi ko sa iba.

Saglit akong tumigil sa pagwawalis, naamoy ko kasi ang nasusunog na tuyo sa kusina. Nagmamadali akong iniahon ang kawali sa kalan at inilagay ang mga tuyo sa plato.

Napabuntong-hininga ako. Sa Linggong ito kasi, ang tuyo ay kailangang maging bahagi ng aming hapag-kainan dahil singkwenta pesos na lamang para sa bawat araw ang natitira sa wallet ko. Araw ngayon ng Linggo, kailangan naming magtipid hanggang Lunes, hanggang magpadala ang asawa kong drayber. Salamat na nga lang at Sem-break ng panganay kong anak.

Hayyy! Bawat araw ay pakikipagsapalarang mabuhay ayon sa pananampalataya.

Sa labas, natanaw ko ang mga ibong sama-samang lumilipad papunta sa Timog. Siguro maraming pagkain doon kaya doon sila papunta. Kagyat na nangilid ang luha sa mga mata ko. Pumupunta ang mga hayop, (kahit ang mga tao) sa lugar kung saan sila mas mabubuhay at mas makikinabang.

Iisa ang ibig nitong sabihin para sa akin… ang mahirap kahit mag-offer ng tulong, palagi siyang tatanggihan. Ang mahirap madalas iniiwasan kahit ng mga malalapit na kamag-anak dahil iniisip ng mga ito na manghihingi lang siya palagi. Kung minsan nga napagbibintangan pang magnanakaw.

Paano ipapakita ng isang mahirap ang pagkakawanggawa kung hindi naman sila nabibigyan ng pagkakataon ng iba na gawin ito sa abot ng kanilang makakaya?

Sa mga kakulangan namin sa buhay, sinisikap ko pa ring manatili sa paggawa ng mabuti o pag-iwas sa paggawa ng masama. Napakadaling magnakaw. Napakadaling manloko ng kapwa para lang mabuhay at mabigyan ng maayos na pagkain ang aking mga anak, pero mas pinipili ko ang manalangin at magtiwalang kaya Niya kaming i-provide sa mga susunod na araw.

Bagaman sapat lamang sa aming pangangailangan ang dumadating sa amin, sa awa ng Diyos naman, hindi kami nawawalan ng makakain sa araw-araw. Dumadating sa tamang oras ang Kanyang biyaya, kailangan lang ang pananampalataya, ang paghingi ng ayon sa kalooban Niya, at ang pagsunod sa mga utos Niya.

Pero minsan, naitatanong ko, “Hanggang kailan, O Diyos, kami’y mabubuhay sa kasalatan? Ito lamang ba ang bahagi namin sa yamang mayroon ka? Bakit kung minsan mas pinayayaman mo pa ang mga taong hindi naman naglilingkod sa iyo?”

Pero naisip ko rin, hindi siya unfair after all, heto ang sagot niya sa mga tanong ko:

“Let both grow together until the harvest. Then I will tell the harvesters to sort out the weeds, tie them into bundles, and burn them, and to put the wheat in the barn, (Matthew 13:30).”

“When the son of man shall come in his glory, and all the holy angels with him, then shall he sit upon the throne of His glory: and before him shall be gathered all nations: and he shall separate them one from another, (Matthew 25:31-32)”

Bago ibenta ng aking pinsan ang kanyang mga baboy, sinisiguro niyang matataba ang mga ito. Mabibigat. Pumipili siya ng pinaka-mainam na feeds sa palengke na sakto sa budget niya tapos minsan pa nangungulekta siya ng mga nasisirang gulay at mga tira-tirang pagkain sa palengke. Niluluto niya ang mga ito kasama ng binlid at iyon ang ipinakakain niya sa mga baboy. Ang resulta, matataba at mabibigat ng mga baboy na naibebenta niya ng hanggang sampung libo sa palengke.

Malinaw, may mga pinatataba lang para sa katayan. May mga damong ligaw na pinababayaan lang dumami at lumago pagkatapos sa tamang panahon ay ihihiwalay para sunugin.

Kapatid, sa kabila ng mga kasalatan at mga pagsubok sa buhay huwag ka sanang magsawang gumawa ng mabuti. Huwag ka sanang magsawang mag-alok ng iyong tulong kahit ilang beses ka man nilang tanggihan o iwasan. Ang tunay na kayamanan ay wala sa karangyaan dito sa lupa, nag-uumapaw ito sa puso na puno ng pananalig o pananampalataya sa Diyos.

Lagi ka sanang umasa dahil ito ang pangako Niya:

“Yet what we suffer now is nothing compared to the glory He will reveal to us later, (Romans 8:18).”

For additional reading pakibasa ang “George Mueller on Faith, Prayer, and Financial Provision” sa aking blog.

~ Jennifer

About Jennifer

I am Jennifer, a Christian from the Philippines, a mother of two young boys, a wife, a lover of Jesus, a blogger, a writer, a self-made artist, a journaler, a coffee & doodles lover, and sometimes a poet by heart. Hey there, friend! I'm so thrilled you stopped by! I love working to be a purposeful stay-at-home mom and I wish to help others do the same. Welcome here!
This entry was posted in A CLICK A BLESSING TODAY, CHRISTIAN TAGALOG BLOGS, SHARING STRUGGLES , Shaping Spiritual Solutions! and tagged , . Bookmark the permalink.

1 Response to Tt15: Encouragement for the Poor

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.