Tt16: Magtiwala kang Makakarating sa Buong Mundo ang iyong mga Talento

devotion today

“Go into all the world and preach the Good News to everyone.” (Mark 16:15)

Kaya mo ba talagang pumunta sa iba’t ibang panig ng mundo para magturo ng Salita ng Diyos? Paano kung kagaya lang kita? Ordinaryo? Isang karaniwang maybahay o isang empleyado?

Hindi natin kaya hindi ba? Lalo pa at wala naman tayong pera para lumipad sa ibang bansa. Isa pa, kung ‘yung kapitbahay nga nati’y hindi natin maabot-abot, sa ibang bansa pa kaya? Diyos ko ang hirap naman po ng pinapagawa mo. Pero huwag kang mawalan ng pag-asa dahil marami pang ibang paraan para makaalis ka sa iyong kinalalagyan at makapaglingkod ka sa Diyos.

Alam mo ba noong una pa lang na makita ko ang lumang laptop ng Papa at ibigay niya ito sa akin, alam ko na, may kutob na ako na may ipagagawa sa akin ang Diyos.

Una, nobela ang naisip kong isulat since may background naman ako dito. Pero hindi ko natapos, mukhang hindi ito ang gusto Niyang gawin ko. Sumunod, gusto kong mag-blog, kaso hindi ko alam kung paano. Sa kababasa ko ng mga payo tungkol dito, natutunan ko rin hanggang sa mapunta ako sa Blogger. Tuwang-tuwa ako ng malamang pwede pala akong mag-blog ng libre kasi naman wala akong pambayad. Gusto ko lang magsulat. Gusto ko lang ilabas ang kabalisahan sa puso ko, kung anuman iyon.

Pero hindi natapos doon ang restlessness ko. Patuloy pa rin akong nababalisa lalo pa’t ang mga topic na isinusulat ko ay pawang malalayo sa Salita ng Diyos.

Kapag pala kasi may ipinapagawa sa iyo ang Diyos at hindi mo ito ginawa, mananatili kang restless. Maghahanap ka ng maghahanap pero mananatiling walang direksyon ang buhay mo hanggang hindi mo ito talagang natatagpuan.

Hanggang nga sa ilagay ng Diyos sa puso ko ang pagsusulat ng aking personal devotions. Dito na ako unti-unting tumagal sa pagba-blog hanggang simulan ko ang Sprout and Flourish na itinuturing kong Blog Ministry ko sa ngayon.

Pero alam mo ba, kinailangan ko pang makipag-kasundo sa Diyos bago ko sinumulan ang Sprout and Flourish. Sinabi ko sa Kanya, “Sege, Panginoon, i-provide mo lang po lahat ng pangangailangan ng aking pamilya, at pangako magsusulat ako para sa Iyo sa abot ng aking makakaya.” Desperate na rin kasi ako dahil lahat ng sinimulan kong blog, lahat useless, lahat hindi ko kayang i-maintain. Buti na lang at ang covenant kong iyon sa Diyos ang naging motibasyon ko para magsulat hanggang sa ngayon.

Siya naman kasi ang Master ko. Kung ipo-provide Niya kami sa pangangailangan namin, then Siya ang nagpapa-sweldo sa akin. Siya ang amo ko. Siya ang paglilingkuran ko.

At ang nakakatuwa, hindi man ako lumalabas ng aming tahanan, nakakapunta ang aking mga katha sa iba’t ibang panig ng mundo at doon nagpapalaganap ito ng Gospel sa mga nagbabasa nito. Isa ka na sa mga naaabot nito, sasamantalahin ko na ang pagkakataong sabihin sa iyo na maraming salamat.

Kaya kahit nasaan ka, pwede kang magpalaganap ng Salita ng Diyos. Ordinaryo ka man. Mahirap ka man. Nasa kalayu-layuang panig ka man ng daigdig. Mahiyain ka mang makiharap sa tao… isipin mo lang ang mga talentong mayroon ka at i-offer mo ito sa Kanya sa abot ng iyong makakaya. Tiyak na makakapunta ito sa lahat ng panig ng daigdig kung saan ito dadalhin at gagamitin ng Diyos.

Hanggang sa muli, kaibigan.

~ Jennifer

About Jennifer

I am Jennifer, a Christian from the Philippines, a mother of two young boys, a wife, a lover of Jesus, a blogger, a writer, a self-made artist, a journaler, a coffee & doodles lover, and sometimes a poet by heart. Hey there, friend! I'm so thrilled you stopped by! I love working to be a purposeful stay-at-home mom and I wish to help others do the same. Welcome here!
This entry was posted in CHRISTIAN TAGALOG BLOGS, SHARING STRUGGLES , Shaping Spiritual Solutions! and tagged , . Bookmark the permalink.

2 Responses to Tt16: Magtiwala kang Makakarating sa Buong Mundo ang iyong mga Talento

  1. Pingback: My Article Read (11-5-2015) | My Daily Musing

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.