TT18: Sa Bawat Pagsubok, may Pag-asa

Tagalog Devotional

 “Sapagkat nalalaman ko ang mga pag-iisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pag-iisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pag-asa sa inyong huling wakas” (Jer. 29:11)

“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you future and a hope” (Jer. 29:11)

Sa tuwing dumaraan ang malalakas na unos sa aming lugar, napupuno ng takot ang aking puso. Palaging wala sa aming piling ang aking asawa na nagta-trabaho sa Maynila, tanging ako lamang ang nasa bahay kasama ang aking dalawang mga anak.

Buong magdamag na hindi ako natutulog, nagbabantay, nag-aabang sa mga maaaring mangyari, at nananalangin para sa aming kaligtasan.

“Diyos ko, sana po’y matapos na…” ang lagi kong usal na panalangin. Pero kung minsan, sadyang tumatagal ang bagyo. Hindi ito umaalis hangga’t hindi natatapos ang kanyang galit at nagpupuyos na damdamin. Kaya ng galit na iyon ang paluhurin ka sa takot at panginginig dahil alam mong kaya nitong pumuksa ng mga buhay at ari-arian. Kagaya na lamang ng bagyong Undoy.

Ang bagyong ganito ay hindi lamang dumarating sa anyong kalamidad. Alam ko dahil makailang beses na ring binagyo ang aming buhay. Kagaya ngayon na halos sunud-sunod na naman ang dagok—pagkakasakit, panganganak, problemang pampinansyal at mga pang-aalipusta.

Kaydami ng bagyo noon at patuloy pa rin itong dumarating sa amin hanggang ngayon. Hindi kami nito tinitigilan pero hindi kami tumitingin dito kung hindi sa kapayapaang dulot ni Hesus sa aming mga puso. Tanggap naming kabahagi ito ng aming pakikiisa kay Kristo. Kailangan naming pasanin din ang krus na nakaatang sa amin gaano man ito kahirap at gaano man nito ipinadarama sa aming halos wala na kaming kapayapaan sa mundong ito.

Ngunit lahat ng aming mga tanong ay may kasagutan—kung mawala man ang kapayapaan sa paligid namin, iyon ay dahil hindi nais ng Diyos na maging komportable kami sa lugar na hindi naman talaga para sa amin.

Oo, binabaha ng luha ang aming mga higaan sa bawat gabi pero ang buhay na walang hanggan doon sa dako pa roon ay patuloy na nagbibigay sa amin ng lakas at pag-asa.

Tumila na ang malakas na ulan. Humupa na ang malakas na hangin. Tumingin ako sa labas n g aming tahanan at nakita ko ang napakaraming kalat at mga natumbang puno sa daan. Maraming mga tahanang nawasak. Sa gitna ng mga ito, bigla kong nakita ang araw na sumisikat ng paunti-unti.

Narito na ang pag-asa.

Sadyang walang sakit at mga pagsubok na nagtatagal ng panghabambuhay. Maaaring magpahirap sa atin ang mga alaala pero hindi nito kayang tumbasan ang kaligayahang naghihintay sa atin.

“Sapagkat napapatunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Mga Taga Roma 8:18). 

“Yet what we suffer now is nothing compared to the glory he will reveal to us later” (Romans 8:18).

About Jennifer

I am Jennifer, a Christian from the Philippines, a mother of two young boys, a wife, a lover of Jesus, a blogger, a writer, a self-made artist, a journaler, a coffee & doodles lover, and sometimes a poet by heart. Hey there, friend! I'm so thrilled you stopped by! I love working to be a purposeful stay-at-home mom and I wish to help others do the same. Welcome here!
This entry was posted in CHRISTIAN TAGALOG BLOGS, SHARING STRUGGLES , Shaping Spiritual Solutions! and tagged , . Bookmark the permalink.

1 Response to TT18: Sa Bawat Pagsubok, may Pag-asa

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.