Basahin: James 1:19-20
“Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Ngunit magmaliksi ang bawat tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit; Sapagkat and galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.”
Maiiwasan ba nating mga Kristiyano ang hindi magalit sa ating mga malilikot at makukulit na mga anak at sa ating mga asawa kung minsan? O, maiiwasan ba nating hindi magalit maging sa ating sarili sa pagiging makasarili at pagnanasa ng mga bagay na makamundo? O, hindi naman kaya ay sa ating mga tsismosang kapitbahay o kaibigang madalas tayong siraan sa iba.
Kapatid, hindi madaling iwasan ang pagkagalit, tingnan na lang natin ang nangyari kay Moses sa Exodo 32:19 na sinasabi, “At nangyari paglapit niya sa kampamento, na kaniyang nakita ang guya at ang sayawan; at ang galit ni Moises ay naginit at kanyang inihagis ang mga tapyas na nasa kaniyang mga kamay at nasira sa paanan ng bundok.”
Sa kabila nito nagpaalala sa atin ang Bibliya na maging makupad tayo sa pagkagalit sapagkat ito ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios. Maaaring hindi natin ito maiiwasan habang tayo’y nabubuhay pa sa laman ngunit sa tulong ng Ispirito Santo ay magagawa nating maghinay-hinay lamang.
Ating ipanalangin at hingiin sa Diyos na makaiwas tayo sa pagkagalit. Ating hingiin sa Panginoon na magkaroon tayo ng kalmanteng pananaw sa gitna ng nagpupuyos na damdamin. At sana, kapatid, sa pagkakataong kailangan ng magalit, nawa ay hindi tayo magkasala. Alalahanin nating…
Magagawa natin ang lahat sa pamamagitan ni Kristo na nagpapalakas sa atin.
Pingback: My Article Read (5-30-2016) – Br Andrew's Muses
Pingback: My Article Read (5-27-2016) – My Daily Musing
Proverbs 15:1 A gentle answer turns away wrath, But a harsh word stirs up anger.
Pingback: TT44: (Pagkagalit) A Tagalog Devotional for when you’re Angry | Daily Bread