Basahin: 3 John 1:4
“Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan.”
Sinabi ng aking ama, “Ang pinakamagandang regalong maibibigay mo sa iyong mga anak ay ang akayin silang makakilala sa ating Panginoong si HesuKristo.”
Ganito rin ang sinabi ni James Dobson, “Ang aking kauna-unahang responsibilidad ay maligtas ang aking mga anak sa pamamagitan ng ebanghelyo.”
Kay gandang hangarin hindi ba? Ngunit dahil hindi naman talaga natin hawak ang kaligtasan ng ating mga anak ang tangi lamang nating magagawa’y pangaralan sila, ipakilala sa kanila ang ating Dios at ipakita sa kanila sa pamamagitan ng gawa ang ating pananampalataya.
Mahalagang ang mga ama ay maging buhay na patotoo sa harapan ng kanilang mga anak—mga amang nagmamahal, nagkakaloob ng mga pangangailangan, nagkakalinga at nakikinig sa kanilang mga anak. Sa pamamagitan nito, nahihimok niya ang kanyang mga anak sa kanyang pananampalataya at nagagawa niya ang kanyang tungkulin para sa kanila. Kung bigyan din sila ng pagkakataon ng ating Diyos na makakilala, o anong ligaya nga naman sa isang amang makita silang lumalakad sa katotohanan.
Sa araw ng mga ama, nawa’y maalala nila ang kanilang tunay na tungkulin sa kanilang mga anak pagdating sa ispiritwal nilang buhay. Naalala ko ang sinabi ng isang manunulat na Kristiyano, “Hindi ang pagtapusin sa kolehiyo ang mga anak o magkaroon sila ng maraming karangalan ang batayan ng tunay na tagumpay ng mga magulang. Ang tunay na tagumpay ay ang makakilala kay Kristo ang kanilang mga anak.”
Maligayang Araw ng mga Ama!
Ephesians 6:4 Fathers, do not provoke your children to anger [do not exasperate them to the point of resentment with demands that are trivial or unreasonable or humiliating or abusive; nor by showing favoritism or indifference to any of them], but bring them up [tenderly, with lovingkindness] in the discipline and instruction of the Lord.
We pray that all fathers in Christ, will have wisdom, love, patience and choose to be examples to their children to the glory of Gd.
The Lord bless all fathers on Father’s Day.
Hello this is Rahul Rajput , I am really impress with your Blog and also I used to surf it generally many of times in a month , Thanks for giving such a good content of topic Fathers Day images
Pingback: TT45: Father’s Day Tagalog Devotional, Be a Vessel unto Honor for your Children’s Salvation | Daily Bread