TT67: Kahit sa gitna ng paghihirap… (Even in the midst of poverty…)

people-1492052_960_720

Habang hinihintay ang aking asawa sa kanyang pagkuha ng nalalabi naming pera sa bangko, hindi ko maiwasang hindi magtanong sa Diyos. Bakit nga naman hindi kung iyon na lang ang natitira kong pera at ang ATM kong iyon ay siguradong magsasara pagkatapos ng transaksyong iyon.

Ganito rin ang naramdaman ko habang isinasanla ko ang hikaw na ibinigay sa akin ni Mama. Guilt. Kalungkutan.

Bakit kailangang laging umabot sa ganito na parang palagi na lamang sapat sa aming pangangailangan ang perang pumapasok sa aming pamilya at kung minsan pa nga’y kulang pa.

Dumarating kami sa puntong kinakailangan ng mangutang kahit pinaghahawakan ko ang pangako Niyang hindi kami dadating sa ganitong punto dahil sapat ang Kanyang pagpapala sa amin.

Hindi ko maiwasang masaktan pero naisip ko rin na materyal na bagay at pera lamang ang mga ito. Mas higit na mahalagang makakain kami ng aking pamilya.

Unti-unti mang gumugunaw ang aking pag-asa, mas pinahahalagahan ko pa rin ang relasyon ko sa Panginoon. Hindi man kami sapat na nabibigyan ng biyaya sa mga ganitong pagkakataon, alam ko namang hindi Siya nagpapabaya.

Nakakalungkot nga lang talagang isiping ang account na iyon ay connected sa blog at shop ko at ngayon ay wala na akong pwedeng i-konekta pa.

Nawalan man ako, isang magandang balita pa rin na dumating na noong makalawa ang package na hinihintay namin mula kay Mama. Isang patunay na sa kabila ng lahat, inaaabot pa rin kami ng Ama.

Dahil kapatid, ang katotohanan, hindi naman palaging maganda ang buhay ng isang Kristiyano. Kaagapay nito ang pagtitiis, ang pagtitiyaga, ang pagpapasensiya.

Ang mahalaga, hindi nagmamaliw ang ating pagtingin sa Diyos. Buo pa rin ang tiwala natin sa Kanya sa hirap man o sa ginhawa.

Higit sa lahat, alam nating nariyan ang Panginoon para tumayo at tumulong sa atin anuman ang ating maging kalagayan.

Purihin ang Diyos!

Natutuwa at nagpapasalamat pa rin ako na hanggang sa ngayon, sanay na akong maging dependent sa Kanya.

“The Spirit of the Lord is upon me, because he has chosen me to bring good news to the poor. He has sent me to proclaim liberty to the captives and recovery of sight to the blind; to set free the oppressed and announce that the time has come when the Lord will save his people.”
(Luke 4:18-19)

 

Advertisements

About Jennifer

I am Jennifer, a Christian from the Philippines, a mother of two young boys, a wife, a lover of Jesus, a blogger, a writer, a self-made artist, a journaler, a coffee & doodles lover, and sometimes a poet by heart. May God Bless us all!
This entry was posted in CHRISTIAN TAGALOG BLOGS and tagged , , , . Bookmark the permalink.

One Response to TT67: Kahit sa gitna ng paghihirap… (Even in the midst of poverty…)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s